Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Aicelle Santos shows different side in men's magazine feature


Kabilang ang Kapuso singer-actress at “Eat Bulaga!” Traffic Diva na si Aicelle Santos sa mga tampok na personalidad sa July issue ng FHM men's magazine.

Ipinagmamalaki ng kilalang stage performer ang naturang proyekto, at kabilang raw ito sa mga ikukuwento niya sa kaniyang mga magiging anak.

Aniya, “Masasabi ko rin sa future anak ko, "Aba! Minsang nag-FHM ang nanay mo! Haha!"???? Seriously, thank you @fhmphilofficial and Pong Castillo for a fun feature. Thank you to the whole team!”

Proud naman ang kasintahan ni Aicelle at GMA News reporter na si Mark Zambrano sa fun feature ng host at aktres sa nasabing men's magazine.

“Yan ang tunay na sexy! Covered but still oozing with appeal! Swerte ko talaga @aicellesantos I love you po!” ayon kay Mark sa comments section ng Instagram post ni Aicelle.

 

Isa si Aicelle sa mga itatampok sa July issue ng FHM, kung saan cover ang Kapuso actress at “Sinungaling Mong Puso” star na si Rhian Ramos.

 


—NB, GMA News