Filtered by: Showbiz
Showbiz

Ciara Sotto, nagsalita na tungkol sa hiwalayan nila ng mister na si Jojo Oconer


Sa unang pagkakataon ay nagbigay ng pahayag si Ciara Sotto tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang mister na si Jojo Oconer.

Sa "Chika Minute" report ng GMA News 24 Oras nitong Martes, sinabi ni Ciara na anim na buwan na silang hiwalay ni Jojo.

Ayon pa kay Ciara, nakapag-move on na siya sa nangyari at napatawad na niya ang kaniyang mister.

Gayunpaman, hindi raw ibig sabihin nito ay nakalimutan na niya ang lahat.

Sa ngayon, tapos na raw siya sa stage ng pagiging galit at civil daw ang relasyon nilang mag-asawa para sa kapakanan ng kanilang anak.

"I think it’s very important na hindi kami magkaaaway for my son’s sake,” ani Ciara. -- FRJ, GMA News

Tags: ciarasotto