Kris Aquino says Bimby wants her to have new boyfriend
Handa na raw ang TV host-actress na si Kris Aquino sakaling mayroong pag-ibig na dumating sa kaniyang buhay muli.
Sa panayam ng GMA News, imbes raw na "Huwag na!" ang isagot niya sa mga tanong tungkol sa kaniyang love life, ang sagot na raw ngayon ng Queen Of All Media ay "It will come."
Aniya, maging ang mga anak niyang sinabi Josh at Bimby ay nais na ring magkaroon siya ng kasintahan.
"Ready na 'yung boys. Siguro hinintay ko lang ang go signal. Sinabi sa akin ni Bimb, 'Mama, I want you to have a boyfriend,'" kuwento ni Kris.
Gayunpaman, may hinahanap raw ang kaniyang bunsong anak sa susunod na magiging boyfriend niya.
Ayon sa TV host-actress, "Sabi niya lang, he has to be a gamer. 'Yung magaling sa video games. Sabi niya, 'Mama, can you find someone who can design video games and make apps.' Sabi ko, 'Sige, I'm going to try.'"
Kamakailan lamang, nakabalik na sa Pilipinas sina Kris, Josh, at Bimby mula sa kanilang mahabang bakasyon sa Hawaii at iba pang bahagi ng Amerika.
Naging masaya man ang kanilang bakasyon, itinanggi ni Kris ang mga balitang may balak na silang mag-migrate sa ibang bansa.
Aniya, "(The Philippines) is our country. I won't deny the fact na ang happy place namin is Hawaii. But this is our country and we will be staying put here."
Mapapanood si Kris sa Kapuso morning talk show na "Yan Ang Morning!" ngayong darating na Biyernes, July 1. —JST, GMA News