Filtered By: Showbiz
Showbiz

What Iza Calzado thinks of Kylie Padilla taking over as new Amihan


Buong-buo ang suporta ng aktres na si Iza Calzado sa Kapuso actress na si Kylie Padilla, ang bagong gaganap na Amihan sa inaabangang remake at retelling ng hit fantasy series na “Encantadia” ngayong taon.

Gumanap si Iza bilang Amihan sa orihinal na “Encantadia” noong 2005, kasama sina Sunshine Dizon bilang Pirena, Karylle bilang Alena, at Diana Zubiri bilang Danaya.

Aniya sa panayam ng mga miyembro ng press sa naganap na Metro Manila Film Festival 2016 #Reelvolution launch nitong Martes, “Ipinasa ko na ang aking korona. Nagtira lang ako ng maliit for myself.”

Naniniwala raw si Iza na malaking tulong ang training na nakuha ni Kylie sa kaniyang ama na si Robin Padilla, na kilala bilang “Bad Boy ng Philippine Cinema.”

“I think she's excellent at doing stunts, she moves well. She's definitely trained by her father. Nakasama ko siya sa 'Joaquin Bordado.' I haven't seen any of her recent films of television shows, but I believe that the blood of her father Robin Padilla is in there, and I'm sure she's a true artist,” ayon sa aktres.

Dagdag pa niya, “And of course, definitely, Kylie is a beautiful lady. I have full faith in her and I'm sure she will do a good job as the new Amihan.”

 



Kasama ni Kylie na bibida sa bagong “Encantadia” ngayong taon sina Gabbi Garcia, Sanya Lopez, at Glaiza de Castro bilang Alena, Danaya, at Pirena.

Kabilang rin sa mga magbibigay-buhay sa kuwento sina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, Ruru Madrid, Rocco Nacino, Klea Pineda, James Teng, Buboy Villar, John Arcilla, Solenn Heussaff, at marami pang iba. —JST, GMA News