Filtered By: Showbiz
Showbiz

LGBT docu ‘Traslacion’ wins in 7th Soho International Film Festival


Nagwagi ang “Traslacion: Ang Paglakad sa Altar ng Alanganin' bilang Best Documentary sa naganap na 7th Soho International Film Festival nitong nakaraang Linggo sa New York City.

Tampok sa naturang pelikula ang mag-asawang Liza Diño at Aiza Seguerra, na ikinasal nang dalawang beses noong nakaraang taon.

Ayon kay Liza sa isang Instagram post. “This achievement is very special because it is a personal advocacy. TRASLACION is not JUST an LGBT documentary film, it is a film that explores LOVE—from all angles, across genders, race, and religion.”

“I really hope that through this achievement, there will be more opportunities to show this film to a wider audience in the hope that when they get to see this—the prejudice, the hatred, the intolerance will somehow transform into mutual respect and perhaps... LOVE,” dagdag pa niya.

Pinangunahan ng direktor na si Will Fredo ang pagbuo sa nasabing pelikula, kung saan tampok rin ang kuwento ng pagmamahalan sa pagitan ng tatlo pang magkapareha, pati na ang mga pagsubok na hinaharap nila at ng kanilang mga pamilya sa konserbatibong bansang tulad ng Pilipinas.

 

 

A photo posted by Liza Diño-Seguerra (@lizadino) on

 

Sa hiwalay na post, inialay rin ni Liza ang “Traslacion” sa mga naging biktima ng massacre sa isang gay night club sa Orlando nitong nakaraang linggo, na kumitil ng humigit-kumulang 50 buhay.

Aniya, “After what happened in Orlando, mas naging meaningful ang trip namin dito sa New York because our documentary film TRASLACION explores the plight that we LGBTQ couples go through in order to SURVIVE living in a country where RELIGION and the blind allegiance to it bears more weight than mutual respect and LOVE.”

“STOP HATE CRIME. Pare-pareho tayong TAO. Lahat tayo may karapatang mamuhay ng totoo sa sarili natin at magmahal ng MALAYA,” pagtatapos niya. —ALG, GMA News