Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Baby Baste, umiyak sa kaniyang first day sa school


Tulad ng ibang bata,nag-aaral na rin ang "Eat Bulaga" baby dabarkads na si Baste. At gaya rin ng ibang chikiting, hindi niya naiwasan mapaiyak sa unang araw sa eskwelahan.

Sa "Chika Minute" report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, makikita ang pag-iyak ni Baste na tila ayaw maiwan ni Mommy.

Tulad ng ibang bata,nag-aaral na rin ang "Eat Bulaga" baby dabarkads na si Baste. At gaya rin ng ibang chikiting, hindi niya naiwasan mapaiyak sa unang araw sa eskwelahan.

Tumigil lang daw ito sa pag-iyak nang makita ang nakababata niyang kapatid na si Samsam na pinahiran pa ang kanyang luha.

Iba naman ang baby girl ni Yasmien Kurdi na si Ayesha na excited mag-back to school.

Sinamahan din ni Yasmien ang kaniyang anak sa klase.

Ang "The Millionaire's Wife" star si Sid Lucero, hinatid sa school ang anak na si Halo Eve, gayundin si Sunshine Dizon, naghatid sa kanyang dalawang chikiting.

Ang fashionista mommy na si Cheska Kramer, hands on kina KendraS scarlett at Gavin.

Siya raw mismo ang naghahanda ng school requirements ng mga anak pati ang mga uniporme.

Sa kanyang bagong show sa GMA News TV na "Mommy Manual," magtuturo rin sila ng kaniyang co-host na si Rica Peralejo ng easy to prepare meals na pwedeng pambaon ng mga bagets at ilang tips para sa mga on the go moms.

Balak naman daw ni Rica na i-home school ang only child na si Philip. -- FRJ, GMA News