Filtered by: Showbiz
Showbiz

LOOK: Jose Manalo, nahulog sa ilog sa 'Sugod-Bahay' segment ng Eat Bulaga


Sa kabila ng aksidenteng pagkakahulog sa maruming ilog sa Malabon habang isinasagawa ang "Sugod-Bahay" segment ng Eat Bulaga nitong Martes, nagawa pa rin ni Jose Manalo na pasayahin ang mga dabarkads nang ulitin niya ang nangyaring pagkakamali.

Paliwanag ni Jose, inakala niyang madali lang ang nakita niyang pagsakay sa balsa-balsahan na ginagamit ng mga residente sa pagtawid sa maruming ilog pero nagkamali siya.

Mahigpit na bilin ni Jose sa mga manonood, huwag gagayahin ang ginawa niya.

 

 

-- FRJ, GMA News