Mark vs Christian: Alamin kung sino ang nagwagi sa 'Lip Sync Battle PHL'
Hindi lang labanan ng dalawang Bautista, kung hindi sampukan din ng dalawang balladeer ang episode ng "Lip Sync Battle Philippines" nitong Sabado. Sinagot din ng dalawa ang katanungan ng marami kung magkamag-anak nga ba sila?
Bago ang kanilang salpukan, tinanong ng mga host na sina Michael V at Iya Villania kung magkamag-anak nga ba sila. Kaagad naman itong sinagot na "hindi" ng dalawang magkaibigan.
Tubong Cavite si Christian habang sa Cagayan de Oro naman si Mark.
Nagpakitang gilas din ang dalawa sa paggaya nila sa estilo ng pag-awit ng isa't isa.
Sa first round, sinabayan ni Mark ang '90s hit song na 'You Oughta Know' ni Alanis Morissette.
Uma-Alanis Morissette! @iammarkbautista takes us back to the '90s with 'You Oughta Know.' #LipSyncBattlePH pic.twitter.com/1alEYmxSiZ
— LSBPhilippines (@LipSyncBattlePH) June 11, 2016
Sinagot naman ito ni Christian na may kasama pang pagsayaw ng "Running Man Challenge" sa awiting "My Boo" ng Ghost Town DJ.
Sa second round, nag-transform si Christian na akala raw ni Mark ay si Solenn Heussaff sa pag-lip sync sa "Survivor" ng Destiny's Child.
Fierce! Will @xtianbautista survive this battle with his rendition of Destiny's Child 'Survivor'? LipSyncBattlePH pic.twitter.com/0AWR73kLMp
— LSBPhilippines (@LipSyncBattlePH) June 11, 2016
Nagkaroon din ng transformation si Mark sa kaniyang performance ala-Shakira sa pagsabay sa awiting "Whenever, Wherever."
Kabogera sa Round 2 si @iammarkbautista as Shakira! Pak na pak! #LipSyncBattlePH pic.twitter.com/FZVOscXSqo
— LSBPhilippines (@LipSyncBattlePH) June 11, 2016
At nang oras na para malaman kung sino ang nagwagi sa kanilang paghaharap, naging hati ang boto ng audience kaya sa unang pagkakataon ay nagdeklara si Bitoy ng "tie" sa "Lip Sync Battle Philippines."
It's a tie! Tonight's #LipSyncBattlePH co-champions are @iammarkbautista and @xtianbautista! Congratulations! pic.twitter.com/rWmfO0SVcK
— LSBPhilippines (@LipSyncBattlePH) June 11, 2016
-- FRJ, GMA News