Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Wilma Doesnt opens up about raising 3 kids by 3 different dads


 

Isang proud mom ngayon ang model at comedienne na si Wilma Doesnt sa kaniyang mga anak na sina Asiana, Emilia Svetlana, at Araion.

Ayon kay Wilma sa “Yan Ang Morning” nitong Lunes, “Masarap naman. When I had Asiana, happy na ako. Parang na-miss mo lang na 'pag buntis ka—may gumagalaw-galaw doon sa tiyan mo. And then nabuntis ulit ako (kay Emilia Svetlana), tapos nabuntis ulit ako (kay Araion). Noong nalaman ko na boy na, tapos may edad na rin ako, I stopped na.” 

Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan na iba-iba ang ama ng tatlong anak ni Wilma.

Aniya, hindi naging mahirap sa kaniya ang ipaliwanag sa mga ito ang natatanging sitwasyon ng kanilang pamilya.

“Pinaliwanag ko na sa kanila 'yan. Sabi ko, 'Oh, Asiana. Ito ang sarili mong family tree. Emilia, ito ang sa'yo. Araion, ito naman ang sa'yo. Pero ang overall teaching ko, magkakapatid kayo. Walang step-step, walang half-half. Kasi ako lang ang mommy ninyo,” kuwento ng model-comedienne.

Mag-isa mang pinalaki ni Wilma ang unang dalawa niyang anak, masayang ibinalita ng modelo at komedyante na going strong sila ng ama ni Araion.

Pagbabahagi niya, “Iba-iba ang pagkatao nila. Ang ganda, iba-iba ang personality. Mayroon silang kani-kaniyang magagandang katangian. May favorite kang ugali sa bawat isa. Lahat sila binubulungan ko nang 'Ikaw ang pinaka-favorite ko.' Lahat favorite.” —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News

Tags: wilmadoesnt