Maine gets emotional as Alden leaves ahead for Philippines
Matagal na nagsama ang phenomenal Kalyeserye stars na sina Maine Mendoza at Alden Richards sa Italy para sa shooting ng kanilang kauna-unahang solo movie, na inaasahang ipapalabas ngayong taon kasabay ng unang anibersaryo ng kanilang loveteam.
Nauna nang umuwi sa Pilipinas si Alden nitong nakaraang linggo, habang nagtungo naman si Maine sa Germany para sa iba pang commitments.
Sa ilang videos na kuha ng mga tagahanga ng AlDub, makikitang naging emosyonal ang dalaga habang nagpapaalam sa kaniyang ka-loveteam at malapit na kaibigan.
Nag-tweet rin si Maine nitong Sabado na tila patungkol sa kaniyang nararamdamang pangungulila at kalungkutan ngayong naiwan siya sa Europa upang ipagpatuloy ang shooting para sa kanilang upcoming movie.
*sniffs*
— Maine Mendoza (@mainedcm) May 26, 2016
Nitong Sabado, muling naging bahagi ng Kalyeserye ang dalaga sa pamamagitan ng pakikipag-usap kay Lola Nidora sa telepono.
Ayon kay Maine, maganda, tahimik, at malamig ang lugar na kaniyang kinaroroonan.
Dagdag pa ng dalaga, matatapos na rin ang kanilang shooting sa ibang bansa at nalalapit na rin ang pag-uwi nila sa Pilipinas. --JST, GMA News