Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kuya Wil, may bagong co-host sa 'Wowowin' na beauty queen


Matapos ang halos dalawang linggong pahinga, muling mapapanood ang "Wowowin" simula Lunes bago mag-"24 Oras." Bukod sa pinabonggang mga papremyo, mayroon ding bagong co-host si Willie Revillame.

Sa "Chika Minute" report ni Cata Tibayan sa 24 Oras nitong Biyernes, sinabing mas pinalaki ang set at stage ng "Wowowin" studio sa GMA Network.

Mayroon ding mga bagong game at mas pinalaki rin ang mga papremyo.

"Yung pagbabakasyon namin is more of preparation sa pagbabalik. Yung ideas na mas pinaganda ang lahat-- games, show, lights para quality talaga," ayon kay Kuya Wil.

Ibinalita rin niya na magkakaroon siya ng bagong co-host na naging contender din sa international beauty contest at bagong awitin na ginawa para sa kaniya ni Ogie Alcasid.

"Mayroon akong bagong love song na ginawa ni Ogie Alcasid na may pagkahugot. Kasi uso ngayon ang hugot, masarap siya kantahin, yung 'Akala Ko," kuwento ni Kuya Wil. -- FRJ, GMA News

Tags: wowowin