Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Marian Rivera debuts in her ‘most challenging role to date’ this May 2


Inaabangan na ng lahat ang pagpapalabas ng “Yan Ang Morning,” ang kauna-unahang talk show ng Kapuso Primetime Queen at “Sunday Pinasaya” star na si Marian Rivera.

Ibabahagi ni Marian sa nasabing talk show ang kaniyang mga karanasan bilang isang bagong ina.

Matatandaang ipinanganak ang panganay nila ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na si Baby Maria Letizia nito lamang Nobyembre ng nakaraang taon, at mula raw noon ay nagbago na ang buhay ng Kapuso actress.

“Bilang isang nanay, magiging iba ang pananaw mo sa buhay. The mere fact na nagkaroon ako ng Zia sa buhay ko, 'yon pa lang pinagpapasalamat ko na sa Diyos. More to come pa 'yon,” aniya.

Bukod sa mga kuwento at katanungan ng mga kapwa niya nanay, mapapanood rin sa “Yan Ang Morning” ang ilan sa mga recipe ni Marian, pati na ang kaniyang personal fitness tips.

Mapapanood na ang pinakabagong morning talk show for mommies sa GMA Network ngayong darating na May 2!

 

 

 

Kuwento ni Marian sa naunang pahayag, "Ngayong nanay na ako, mas napatunayan ko na kaya palang matutunan ang lahat basta gusto at mahal mo ang iyong ginagawa."

"Na-realize ko na ang pagkakaroon ng talk show ay magandang paraan para maibahagi ko ang pananaw ng isang baguhang ina na nagsisikap magkaroon ng work-life balance sa panahong ito. Sabay-sabay natin matutunan ang lahat ng bagay, lalo sa mga katulad kong first time maging isang ina,” dagdag pa niya.

Maliban sa kaniyang bagong talk show at sa pinagbibidahang comedy variety show na "Sunday Pinasaya," kabilang rin si Marian sa mga bibida sa upcoming remake-retelling ng Kapuso fantasy series na "Encantadia" ngayong 2016.

Proud mom rin ang Kapuso Primetime Queen nang ibalita ang pagsalang ng kaniyang panganay na si Maria Letizia sa isang endorsement. — AT, GMA News

Tags: marianrivera