Kwelang 'standee-serye' ni Maine, benta kay Alden
Labis na naaliw ang netizens sa Snapchat videos ng Kalyeserye sweetheart at Dubsmash Queen na si Maine Mendoza, kung saan tampok siya at ang standee ng kaniyang ka-loveteam at Pambansang Bae na si Alden Richards.
Sa tinaguriang “standee-serye” na gawa ni Maine, bumisita si “Alden” sa kanilang bahay, kung saan sila kumain ng hapunan at magkatabi pang natulog.
Makikita ring sinusundan siya ng standee saan man siya magpunta.
A video posted by @divinaursulasc on
A video posted by @divinaursulasc on
A video posted by @divinaursulasc on
A video posted by @divinaursulasc on
A video posted by @divinaursulasc on
A video posted by @divinaursulasc on
A video posted by @divinaursulasc on
A video posted by @divinaursulasc on
A video posted by @divinaursulasc on
Hindi lamang netizens ang natuwa sa “Standee-serye” ni Maine kundi maging ang kaniyang ka-loveteam.
Sa isang tweet, sinabi ni Alden, “Dami kong tawa!”
Dami kong tawa! ????
— Alden Richards (@aldenrichards02) April 14, 2016
Nitong nakaraang Sabado, pormal nang inanunsyo ng phenomenal loveteam ang nalalapit nilang pagbida sa isang pelikula.
Anila, regalo raw nila ito sa kanilang mga tagahanga na patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanila matapos ang halos isang taon nilang pagpapasaya, pagpapakilig, at pagpapaiyak sa Kalyeserye ng “Eat Bulaga!”
"Ito ang pelikulang tatatak sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino," ayon kay Lola Nidora.
Noong nakaraang Disyembre, nakasama sina Alden at Maine bilang supporting cast sa blockbuster film fest movie na, "My Bebe Love," na pinagbidahan nina Vic Sotto at AiAi delas Alas. —JST, GMA News