‘Sugarpop’ members reunite for series of performances
Muling nagsamasama ang ilan sa mga miyembro ng youth-oriented singing group na “Sugarpop” nitong nakaraang linggo upang mag-perform sa iba't ibang programa at concerts.
Kabilang sa mga bumubuo sa nasabing child musical group sina Rita Daniela, Renzo Almario, Pocholo Bismonte, Vanessa Rangadhol at ang Asia's Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose.
Kamakailan lamang, nagsamasama sina Rita, Renzo, Pocholo, at Julie Anne upang pangunahan ang pagsisimula ng “Lil Big Superstar” segment ng Kapuso comedy variety show na “Sunday Pinasaya,” na mapapanood tuwing Linggo.
Nagsama-sama rin sila sa “Versus Verse” event ng De La Salle-College of Saint Benilde nitong nakaraang linggo lamang.
Sa isang Instagram post, ipinasilip ng apat ang kanilang offstage jamming session.
Nakatakda ring mag-perform ang “Sugarpop” sa 10th anniversary concert ni Julie Anne na “In Control” na magaganap sa Kia Theather ngayong darating na May 14. —ALG, GMA News