Filtered by: Showbiz
Showbiz

Gina Alajar shares Maine Mendoza's progress in acting workshop  


 
Matapos pormal na ibahagi sa publiko ang nakatakdang pagbida nina Maine Mendoza at Alden Richards sa isang pelikula, tuloy-tuloy na ang acting workshops ng Kalyeserye sweetheart at Dubsmash Queen bilang paghahanda sa big project na ito.
 
Nitong nakaraang linggo, ipinasilip ng batikang aktres at direktor na si Gina Alajar ang isang eksena mula sa workshop nila ni Maine.
 
Kuwento ni Direk Gina, “Second day... Pagod na pagod... Did some difficult stuff today
 
“@mainedcm keep the emotions flowing, my dear,” payo niya sa phenomenal star.
 
 

2nd day... Pagod na pagod... Did some difficult stuff today... @mainedcm keep the emotions flowing my dear... ????

A photo posted by Gina Alajar (@ginalajar) on

 
Noong nakaraang linggo lamang din, nagkita na ang dalawa para sa kanilang unang acting lesson
 
Inanunsyo ni Maine at ng kaniyang ka-loveteam at Pambansang Bae na si Alden Richards ang nalalapit nilang pagbida sa isang pelikula nitong Sabado, kasabay ng ika-siyam na buwang anibersaryo ng pagkakabuo ng kanilang tambalan sa Kalyeserye ng 'Eat Bulaga!'
 
"Ito ang pelikulang tatatak sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino," ayon kay Lola Nidora.
 
Inialay ng phenomenal AlDub loveteam ang pelikula sa mga taong walang humpay na sumuporta sa kanila mula nang mabuo ang kanilang tambalan noong Hulyo ng nakaraang taon.
 
Noong nakaraang Disyembre, nakasama sina Alden at Maine bilang supporting cast sa blockbuster film fest movie na, "My Bebe Love," na pinagbidahan nina Vic Sotto at AiAi delas Alas. — APG, GMA News