Filtered By: Showbiz
Showbiz
GALLERY
Netizens share fan art of new Encantadia
Kitang-kita ang pananabik sa mga tagahanga ng Kapuso fantasy series na “Encantadia” ngayong pormal nang naipakilala ang mga gaganap sa remake at retelling ng nasabing hit fantaserye, na unang ipinalabas sa GMA Network noong 2005.
Ilan nga sa kanila ay gumawa ng mga nakamamanghang fan arts habang inaabangan ang muling pagbibigay-buhay sa mahiwagang kuwento ng “Encantadia” at ng apat na Sang'gre, na gagampanan nina Glaiza de Castro bilang Pirena, Kylie Padilla bilang Amihan, Gabbi Garcia bilang Alena, at Sanya Lopez bilang Danaya.
Inaasahang mapapanood na ang inaabangang remake at retelling ng “Encantadia” ngayong taon.
—JST, GMA News
More Videos
Most Popular