Aiza Seguerra reunites with former child star Lady Lee
Muling nagkita ang singer-actress na si Aiza Seguerra at ang dating child star na si Lady Lee, na magkasamang bumida sa “Eat Bulaga!” noon.
Tulad ng “Princess in the Palace” actress, naging bida rin sa longest-running Philippines noontime show si Lady Lee, Ma. Cristina Edrosa Lee sa tunay na buhay, matapos siyang sumali sa segment na “Little Miss Philippines.”
Matatatandaang sumali si Aiza sa naturang contest noong 1987. Nanalo naman bilang Little Miss Philippines-Luzon si Lady Lee noong 1990.
Ayon sa asawa ni Aiza na si Liza Diño sa isang Instagram post nitong Linggo, “Rare MOMENT: my love @aizaseguerra with co-child star na di na child ngayon, LADY LEE! It's so good to see them together. #childstars #eatbulaga”
A photo posted by Liza Diño-Seguerra (@lizadino) on
Nagkita ang dalawa sa San Fernando, Pampanga matapos mag-perform ni Aiza sa Castaway Music Festival.
Lalo pang humaba ang kanilang reunion nang magkaroon sila ng Sisig Party sa Angeles, Pampanga kasama ang kani-kanilang mga kaibigan.
A photo posted by Liza Diño-Seguerra (@lizadino) on
—ALG, GMA News