Boobay, naging emosyonal sa pagtatapos ng bunsong kapatid
Naging emosyonal ang komedyante at “Ismol Family” star na si Boobay nang dumalo siya sa graduation ceremony ng kaniyang bunsong kapatid noong Sabado.
Nagtapos mula sa Subic Bay Colleges, Inc. ang kapatid niyang si Ariel.
Ayon kay Boobay sa kaniyang Instagram post, “Naiiyak ako hahaha... After ng Eat Bulaga, biyahe ako agad ng mabilis papuntang Olongapo. Maraming salamat, Lord! Napakabait mo talaga. Ibinigay mo po na makaabot ako sa graduation ng aking bunsong kapatid.”
Kasama ni Boobay na nagdiwang ang kaniyang ama at mga kapatid, na labis rin ang saya sa pagtatapos ng kanilang bunso.
Inalala rin ng komedyante ang masasayang araw ng kanilang namayapang ina.
“Kasama ko ngayon ang mga kapatid ko at aking ama. Ramdam ko din ang saya nila. Sana nga lang ay nandito pa si Mama ko para masaksihan nya din ito. Hays, alam ko masayang-masaya ka din diyan sa langit Mama. We miss you!” aniya.
Pagtatapos ni Boobay, “Congrats Ariel ading ko, tapos ka na sa kolehiyo! Salamat Lord! Salamat po!” — APG, GMA News