Filtered By: Showbiz
Showbiz
GMA soap na 'Munting Heredera,' magkakaroon ng Mexican remake
Magkakaroon ng Mexican remake ang 2011 GMA soap na "Munting Heredera" matapos bilhin ng isang television network sa Mexico ang format rights nito.
Sa Chika Minute report ng GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing happy and proud ang original cast ng drama series tulad nina Camille Prats at Gabby Eigenmann.
Si Camille ang gumanap bilang si Sandra, habang si Gabby naman na gumanap bilang kontrabidang si Desmond.
Hindi raw malilimutan ni Gabby ang serye dahil dito niya nakuha ang unang acting award niya bilang best supporting actor. -- FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular