Alden and Maine promise big anniversary surprise for fans this July
Dinagsa ng mga tagahanga ang pagpapakilala kina Maine Mendoza at Alden Richards bilang pinakabagong endorsers ng Bench nitong Miyerkules ng gabi, sa isang mall sa Quezon City.
Bukod sa pagpapasaya at pagpapakilig sa kanilang production numbers, inanunsyo rin ng phenomenal Kalyeserye loveteam ang inihahanda nilang sorpresa para sa AlDub Nation ngayong darating na Hulyo.
Matatandaang nabuo ang kanilang loveteam sa "Juan For All, All For Juan" segment ng Kapuso noontime show na "Eat Bulaga!" noong July 16, 2015.
Ayon sa kanila, isang paraan na rin ang sopresang ito upang ipagdiwang ang kanilang first anniversary bilang on-screen couple.
“Mayroon po kaming surprise sa buong AlDub Nation. It's for you to find out! It's something everyone has been waiting for. Para po sa inyong lahat iyon. Abangan niyo po 'yan," ayon kay Alden.
Pabiro pa niyang dagdag ng Pambansang Bae, “SOCO pa more! SOCO pa more! Kayang-kaya nila 'yan.”
@aldenrichards02 and @mainedcm promise big surprise for fans this July, in time for #AlDub's anniversary. @gmanews pic.twitter.com/NVb4Eaz1YW
— Bianca Rose Dabu (@biancadabu) March 30, 2016
Ayon naman sa Kalyeserye sweetheart na si Maine, “It's for you to find out pero tiyak na matutuwa kayo [AlDub Nation]."
"Maganda, magandang anniversary gift iyon sa inyo,” pagtatapos ng Pambansang Bae.
Sa mga naunang pahayag, sinabi na ni Alden na maaaring bumida muli sila ni Maine sa isang pelikula matapos ang matagumpay nilang pagtatambal sa Metro Manila Film Festival 2015 entry na "My Bebe Love."
Bukod sa pelikula, maraming fans rin ang umaasa na magkaroon ng concert o teleserye ang dalawa. — AT, GMA News