Filtered by: Showbiz
Showbiz

AiAi delas Alas maintains passion for entertainment after 26 years  


 
Matapos ang sunod-sunod niyang shows abroad na dinagsa ng kaniyang mga tagahanga noong nakaraang linggo, ibinahagi ng Comedy Concert Queen at "Sunday Pinasaya star na si AiAi Delas Alas ang kaniyang pasasalamat sa mga patuloy na sumusuporta at nagmamahal sa kaniya.
 
Sa isang Instagram post, sinabi ng batikang komedyante na patuloy rin niyang minamahal ang kaniyang trabahong pagpapasaya sa lahat ng kaniyang mga manonood.
 
Aniya,  "I realized na for 26 years na pagpapatawa at pagpapaligaya sa ating mga kababayan, nandoon pa rin yung passion at fire sa puso ko sa trabahong ito."
 
"Thank you GOD sa blessing na ito na kahit matagal na ako nag-work. maraming napagdaanan. still nasa puso ko pa din ang pagmamahal at fire sa trabahong ito at sa talent na ibinigay mo. And also thank you din sa mga taong hanggang ngayon ay napapangiti ko at napapatawa kahit sa sandaling oras ng mga buhay nila," dagdag pa niya.
 
 

Parang eto lang ang picture ko sa show sa rhode island hehe ... Haggardo versoza ????????????... But then i realized na for 26 years na pag papatawa at pag papaligaya sa ating mga kababayan nandun pa rin yung passion at fire sa puso ko sa trabahong ito .. And thank you GOD sa blessing na ito na kahit matagal na ako nag work maraming napagdaanan still nasa puso ko pa din ang pag mamahal at fire sa trabahong ito at sa talent na ibinigay mo.. And also thank you din sa mga taong hanggang ngayun ay napapangiti ko at napapatawa kahit sa sandaling oras ng mga buhay nila ... Salamat SAN FRANSISCO ????LOS ANGELES ????QUEENS AT RHODE ISLAND ????????????????HANGGANG SA MULI #ilovemyworkverymuch #blessed #workpamore #patawapamore

A photo posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on

 
Kabilang rin si AiAi sa naganap na "Lolas of Kalyeserye visit California" concert series nitong nakaraang linggo, kasama sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Barbie Forteza, at Andre Paras.
 
Pagtatapos ng Kapuso host-actress, "#ilovemyworkverymuch #blessed #workpamore #patawapamore" — APG, GMA News
More Videos