Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Michael V. wows netizens with ‘trick videos’


Naaliw ang maraming netizens sa nakakatuwang mga videos na ipinasilip ng batikang komedyante at “Bubble Gang” star na si Michael V. ngayong linggo.

Habang nagbabakasyon, naisipan ni Bitoy na gawin ang “Leap of Fake.”

Makikita ritong tila tumalon siya mula sa isang mataas na balkonahe papunta sa isang swimming pool kung saan nakaabang ang kaniyang mga kapamilya.

Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa ilan niyang followers kung paano ito ginawa ng Kapuso host-actor.

 

"Leap Of Fake" #BitoyStory

A video posted by Michael V. ???????? (@michaelbitoy) on

 

Sa pinakabago naman niyang Instagram post, ipinakita ni Bitoy ang isang lumang coin trick mula sa sikat na aktor at martial arts expert na si Jackie Chan.

Tinatawag niyang “Bitoy Story” ang mga nakakatuwang video na ito na ibinabahagi niya sa social media.

 

Try this at home. It's an old Jackie Chan trick. Start with 2 coins and go all the way to 5. Don't forget to tag me! #BitoyStory

A video posted by Michael V. ???????? (@michaelbitoy) on

 

—ALG, GMA News