Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Barbie Forteza reunites with half sisters in Los Angeles


Gaya ng maraming artista, sinulit rin ng Kapuso actress at "That's My Amboy" star na si Barbie Forteza ang maikling pahinga ngayong Holy Week upang makapiling ang kaniyang pamilya at mga mahal sa buhay.

Nitong nakaraang linggo, nagpunta sa Los Angeles, California ang aktres at nagkaroon ng pagkakataong makasama ang kaniyang half sisters na sina Alex at Gabrielle matapos siyang maging bahagi ng "The Lolas of Kalyeserye visit California" shows.

Ayon kay Barbie sa isang Instagram post, "Finally with the two of them... at the same time."

Matatandaang bumisita si Alex sa Pilipinas noong nakaraang taon upang magdiwang ng Pasko sa bansa.

Bukod sa kanilang reunion, nakabisita rin si Barbie sa ilang tourist destinations sa America, tulad na lamang ng Hollywood Walk of Fame, Warner Bros. Studios, at marami pang iba.

Silipin ang naging bakasyon ng Kapuso actress ngayong Holy Week. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News