Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ken Chan, emosyonal habang pinapanood ang pagtatapos ng Destiny Rose


Nag-iwan ng aral tungkol sa pagpapatawad at pagtanggap ang beautiful ending ng GMA Afternoon Prime na "Destiny Rose." Ang bida nitong si Ken Chan, hindi napigilang maluha habang pinapanood ang huling episode ng serye nitong Biyernes.

Sa "Chika Minute" report  ng GMA News 24 Oras nitong Biyernes, sinabing naging emosyonal si Ken habang pinapanood ang finale ng soap sa viewing party na ginawa ng fans at ilang miyembro ng LGBT community.

Sa huli, nahanap na rin ni Destiny Rose ang kanyang happy ending sa piling ni Gabrielle.

Pero higit sa happy ending ni Destiny Rose, naging inspirasyon at nag-iwan ng aral sa mga manonood ang series nang magkaayos at tanggapin na rin siya ng kaniyang ama na ginampanan ni Joko Diaz.

Pinalakpakan din si Ken dahil sa husay niya sa pagganap bilang ang transgender.

Ikinataba ng puso ni Ken na hindi lang dito sa Pilipinas nakapaghatid inspirasyon ang istorya ni Destiny Rose kung hindi maging sa LGBT community sa ibang bansa. -- FRJ, GMA News