Filtered By: Showbiz
Showbiz

Derek Ramsay promotes ex-girlfriend Solenn Heussaff's first art exhibit


Matapos ang dalawang taong paghahanda, magaganap na ang kauna-unahang art exhibit ng Kapuso actress at “Taste Buddies” host na si Solenn Heussaff sa susunod na buwan.

Maaring makita ng mga tagahanga ng aktres ang kaniyang mga obra simula April 8 hanggang May 8 sa Pineapple Lab sa Palma Street, Makati City.

Pinamagatang “Our People” ang naturang art exhibit ng aktres, at tampok rito ang mga paintings ni Solenn kung saan subject niya ang mga Indigenous Peoples (IP) na matatagpuan sa Burma, Bukidnon, Ifugao, at maging sa Africa.

Kabilang sa mga naunang nag-anunsyo ng pagbubukas ng art exhibit ng Kapuso actress ang kaniyang dating kasintahan at leading man sa pelikulang “Love is Blind” na si Derek Ramsay.

Ayon kay Derek sa isang Instagram post, “Guys you should check this out and see how talented @solennheussaff is. #proudfriend”

 

Guys you should check this out and see how talented @solennheussaff is. #proudfriend

A photo posted by @ramsayderek11 on

 

Kamakailan lamang, inilunsad na rin na Solenn ang kaniyang sariling perfume line na tinawag niyang "Scents of Solenn" (SOS).

“Created three scents with experts from my hometown France. I drew the floral design and concept,” kuwento niya sa naunang pahayag. — Bianca Rose Dabu/AT, GMA News