'Dessert' singer Dawin talks about his guesting in 'Eat Bulaga'
Nakisaya nitong Lunes sa “Eat Bulaga!” ang American singer-producer na si Dawin, na siyang nasa likod ng paboritong kanta ni Lola Nidora sa Kalyeserye na “Dessert.”
Sa panayam ng “Sikat sa Barangay” nitong Martes, sinabi ng hitmaker na masaya siyang natupad ang hiling ng mga tagahanga ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub na bumisita siya sa programa.
Aniya, “Super fun experience. I was always preparing for that. I wanted to show up because I would always get messages and tweets that people are saying, 'I hope Dawin can come to Eat Bulaga,' and I say, 'That would be a good idea.'"
Nagpapasalamat din si Dawin sa suportang ipinapadama ng Kalyeserye sa kaniya sa pamamagitan ng kantang “Dessert,” na halos araw-araw maririnig sa naturang segment ng longest-running noontime show sa Pilipinas.
“You know, I just want to show up and return the love that I've received. So, after that, after the performance, I did a showdown with Lola Nidora. That was fun, too," ayon kay Dawin.
A photo posted by Dawin (@dawin) on
Nitong Lunes din ay ibinigay sa singer-producer ang Platinum award para sa kaniyang album na “Dessert EP.”
Matapos ang kaniyang TV at radio guestings, magkakaroon naman ng show si Dawin sa Robinsons Metro East ngayong Martes, March 1, 6:00 p.m. -- FRJ, GMA News