Filtered by: Showbiz
Showbiz

1979 Miss International Melanie Marquez, bumisita sa Kalyeserye!


Natuloy ang pagpapa-audition ni Yaya Dub at ng mga Lola para sa school project ng dalaga kung saan kailangan niya ng ilang fashion models.

Upang masanay ang mga nakuhang model para sa project ni Yaya Dub, inimbitahan ni Lola Nidora ang kaniyang kumareng supermodel—ang personality development coach at 1979 Miss International na si Melanie Marquez.

Nagpakita ng ilang modelling techniques si Melanie, at nagbahagi rin ng ilang tip.

Sa huli, sinabi nitong may nais siyang ipakilala kay Yaya Dub, ngunit bago pa man niya masabi kung sino ito, tumunog na ang businang hudyat ng pagtatapos ng Kalyeserye.

Hindi naman nakalimutan ni Alden na ipaalala sa dalaga ang kanilang weeksary ngayong Huwebes.

—ALG, GMA News