ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
TRENDING

Alden and Maine spotted on a date?


Maraming netizens ang nag-post ng mga larawan nina Pambansang Bae Alden Richards at Dubsmash Queen and Kalyeserye sweetheart Maine Mendoza habang tila nagde-date sila sa isang tea shop sa Shangri-La Mall Plaza sa Mandaluyong City.

Matatandaang nagtapos ang Kalyeserye nitong Martes matapos mag-aya ng coffee shop date si Alden nang malaman niyang mahilig rito ang dalaga.

Lingid sa kaalaman ng nakararami, natuloy ang date ng dalawa sa likod ng camera.

 

 

Spotted at TWG,,shangrila,,ALDEN nd MAINE..grabe alden gave us a pabebe wave...

Posted by Janet Mallari Parba on Tuesday, February 16, 2016

 

Sandaling nakapa-usap ang dalawa bago sila saluhan ng executives ng Television And Production Exponents Philippines Inc. (TAPE, Inc.) na sina Jenny Ferre at Tony Tuviera.

 

 

Tila kinumpirma naman ni Alden ang nasabing date nitong Miyerkules nang tanungin siya ni Lola Nidora, “Kumusta ang date niyo sa Shangri-La?”

Ayon kay Alden, naging maayos naman ito at masaya umano silang makapag-usap sila nang walang nakasunod na camera.

Nalinawan na raw sila sa mga bagay-bagay, na hindi na ipinaliwanag pa ng Pambansang Bae.

Nang tawagan niya si Maine nitong Miyerkules sa Kalyeserye, napagkasunduan nilang dalawa na mananatili na lamang sa pagitan nila ang lahat ng mga napag-usapan sa kanilang date. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News