Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH
Pauleen Luna shares excitement on morning of her wedding day
Umaga pa lamang ay kasama na ng bride-to-be at Kapuso host-actress na si Pauleen Luna ang kaniyang pamilya at mga kaibigan upang maghanda para sa araw na kasal nila ni Bossing Vic Sotto.
Ngayong Sabado magaganap ang pag-iisang dibdib ng dalawa matapos ang halos limang taong pagiging magkasintahan.
Ayon kay Pauleen, namamaga pa rin ang kaniyang mga mata dahil sa labis na pag-iyak niya kagabi.
Naroon naman ang kaniyang matalik na kaibigan at matron of honor na si Ruby Rodriguez upang samahan siya hanggang sa mga huling paghahanda para sa espesyal na araw na ito.
"I'm very excited, and I'm very thankful and blessed," ayon kay Pauleen.
Magaganap ang kasalang Bossing at Pauleen ngayong Sabado, January 30.
—Bianca Rose Dabu/ALG, GMA News
More Videos
Most Popular