Filtered By: Showbiz
Showbiz
IN PHOTOS

Cristine Reyes marries boyfriend Ali Khatibi in Balesin


 

 
 
 
 
 
 

 

Ikinasal na nitong Miyerkules sa Balesin Island ang aktres na si Cristine Reyes at ang mixed martial arts fighter na si Ali Khatibi.

Gaya ng naunang plano ng magkasintahan, naigng simple at intimate ang kanilang kasal, na dinaluhan lamang ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Ayon isang Instagram post ng Nice Print Photo, “Today I am privileged to experience a wedding like no other. There was not much preparation, no fancy set up, no make up artist, no designer gowns, no live music, just a handful of guests consisting of family and best friends BUT it was totally, totally perfect. Inspiring.”

Sa naunang pahayag, sinabi ni Cristine na napili nila ang January 27 bilang wedding date dahil ito rin ang petsa kung kailan nila naramdaman ang pag-ibig sa isa't isa noong taong 2013.

Kasama ni Cristine at Ali ang kanilang anak na si Amarah, na ipinanganak noong nakaraang taon. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News