ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Maine shares 'video greeting' from Alden


Hindi nga maikakailang lalong nagiging malapit ang loob nina Pambansang Bae Alden Richards at Dubsmash Queen and Kalyeserye sweetheart Maine Mendoza sa isa't isa ngayong mas madalas na silang magsama para sa iba't ibang showbiz projects.

Kamakailan lamang, magkasama ang dalawa na nagpunta sa Cebu at Davao upang i-promote ang pagbibidahan nilang pelikula kasama sina Bossing Vic Sotto at Comedy Concert Queen AiAi Delas Alas.

Magkasama ring nagpatawa at nagpakilig sina Alden at Maine sa Broadway Centrum ngayong Sabado para sa Kalyeserye.

Hindi pinalampas ng dalawa ang pagkakataon na makapag-selfie at maipakita sa netizens ang kanialng kakulitan maging sa likod ng camera.

Ngayong araw, ipinasilip ni Maine ang “video greeting” ni Alden para sa kaniya.

Nagmistulang fan ang dalaga sa kaniyang tweet na nagsasabing, “Omg omg omg I just got a video greeting from Alden Richards! Oxygen please!!!! Grabe na to!!!!! *hyperventilates*”

“Hi Maine Mendoza! How are you? Thank you for the support and I hope to see you soon. AlDub you!” pabirong sabi naman ng Pambansang Bae sa video greeting.

Narito naman ang ilan sa mga nakakakilig at nakakatuwang selfie ng dalawa sa Cebu at Davao ngayong linggo:

--Bianca Rose Dabu/JST, GMA News