Maine's mom reacts to Photoshopped images of Alden-Maine wedding
Boto na nga ba ang nanay ni Maine Mendoza kay Alden Richards?
'Yan ang tanong nga mga AlDub fans matapos ang mga post sa Twitter ni Mary Ann Mendoza, ang ina ng kinagigiliwang "Yaya Dub" ng Eat Bulaga.
Nag-post kasi si Mary Ann ng mga larawang gawa ng fans ng eksena ng kasal nina Alden at Maine.
Sa mga kuha, kasama din ang mga magulang at kaanak ng phenomenal love team.
Ang daming tawa ko dito! Grabe sya! Hahaha.... https://t.co/TmlO3pckj3
— Mary Ann Mendoza (@macmendoza75) November 29, 2015
@mainedcm @aldenrichards02 @R_FAULKERSON @nicoletteannmc @macmendoza75 PANALO!!hehehe sa TAMANG PANAHON hihihi pic.twitter.com/rpmP68pKzs
— AD|MD IBARAKI (@AldubibarakiJP) November 29, 2015
Mas madami akong tawa dito.. Hahahahaha grabe na talaga sya. https://t.co/pwr9zkKc4p
— Mary Ann Mendoza (@macmendoza75) December 1, 2015
Sana.. part2 #ALDUBDejaVuLove @ALDUB_art @justforMAIDEN @AldubibarakiJP @ALDUBPILIPINAS @R_FAULKERSoN @EatBulaga pic.twitter.com/mVM5K3tyEU
— SONJi (@sonjsway) December 1, 2015
Pati tuloy si Maine, hiniritan din ang kaniyang ina sa Twitter.
@macmendoza75 mga ilan, nay?
— Maine Mendoza (@mainedcm) November 29, 2015
Ibig ba sabihin, good shot na si Tisoy sa pamilya ni Meng? —JST, GMA News