Batikang radio anchor ng dzBB na si 'Manang Rose,' pumanaw na
Pumanaw na dahil sa karamdaman ang batikang radio anchor ng dzBB na si Rose Clores, na mas kilala ng kaniyang mga tagasubaybay bilang si "Manang Rose." Siya ay 72-taong gulang.
Paalam at Salamat Manang Rose! pic.twitter.com/TeLUsNT9Uv
— DZBB Super Radyo (@dzbb) November 27, 2015
Bago pumanaw, anchor ng programang "Super Kalusugan" si Manang Rose na napapakinggan gabi-gabi sa dzBB.
Nakalagak ang kaniyang mga labi sa Saint Peter Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City.
Kasama ng GMA Network at dzBB, nagpaabot din ng pakikiramay sa mga naulila ni Manang Rose ang kaniyang mga tagasubaybay.
@dzbb mam susan mam lala nakiramay po ako sa familya ni manang rose nakakalongkut isa po ako sa tagasubaybay sa program niya paalam po Mrose
— Luzminda Serot ♥ (@MindaSerot) November 27, 2015
@dzbb Condolences to the family of Manang Rose, may she rest in peace with the Lord
— L E N N A H? (@morningdew_2015) November 27, 2015
@dzbb condolence po sa family ni manang rose, marami po akong nalaman tungkol sa kalusugan, maraming salamat po manang rose
— jerwin de leon (@jerwin_deleon) November 27, 2015
@dzbb condolence po s family in manang rose kya pala d q na sya naririnig ????????????
— ndai (@NdaiEmen) November 27, 2015
@gmanews my deepest condolences to the family of Manang Rose Flores of DZBB Super Kalusugan..im an avid listener of her program every night.
— yvonne lua (@Guationg) November 27, 2015
Sad ako nawalan akong pinakikinggan sa DZBB R.I.P.Manang Rose Flores isa mo akong tagapakinig sa radyo salamat po
— Natividad Icban (@NatividadIcban) November 27, 2015
-- FRJ, GMA News