Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lauren, dinala sa ospital matapos ang sampalan scene nila ni Megan sa 'Marimar'


Nauwi sa matinding sampalan ang mga karakter nina Megan at Lauren Young sa isang eksena sa Kapuso Primetime series na "Marimar."

Sa "Chika Minute" report ng GMA News 24 Oras nitong Martes, sinabing naging mainit ang sagutan na nauwi sa sampalan ang eksena nang magtagpo ang mga karakter nina Megan at Lauren na sina Bella Aldama at Antonia Santibañez.

Dahil naging makatotohanan ang tagpo, napalakas ang mga sampal ni Megan kay Lauren at kinailangang dalhin sa ospital ang huli.

Kaagad namang umayuda si Megan sa kaniyang younger sister para matiyak na okay lang ito matapos ang pangyayari. -- FRJ, GMA News