Filtered By: Showbiz
Showbiz
WATCH

Nikki Gil and BJ Albert's wedding video


Matapos silang ikasal nitong Sabado sa Sta. Elena Golf Country Club sa Sta. Rosa, Laguna City, inilabas na ang wedding video ng singer-actress na si Nikki Gil at ng kaniyang non-showbiz husband at businessman na si BJ Albert.

Tampok sa naturang video na gawa ni Jason Magbanua ang kantang “Right Time” ni Johnoy Danao, na unang narinig sa wedding video nina BJ at Nikki.

Kabilang sa mga dumalo sa kanilang kasal ang ilang celebrities gaya na lamgn ng best friend ni Nikki at “24 Oras” anchor na si Iya Villania kasama ang kaniyang asawa na si Drew Arellano, pati na ang mag-asawang Isabel Oli at John Parts, at si Luis Manzano, Gary Valenciano, Shaina Magdayao, at marami pang iba.

Naganap ang kanilang kasal isang taon matapos mag-propose si BJ, at panandalian ngang nagpahinga si Nikki sa kaniyang showbiz commitments upang personal na matutukan ang paghahanda para sa kanilang espesyal na araw.

Marami ang naantig sa personal vows ng dalawa para sa isa't isa, kaya naman hindi na napigilang maging emosyonal ng mga bisita.

Ayon kay Nikki, “You have quickly become my everything and I am sometimes left wondering how I could have possibly done without you all those years. There are days when I wish I’d known you earlier but I know that God makes all things beautiful in His time.” —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News