JoWaPao on Tito, Vic and Joey: 'Parang wala naman silang kapalit'
Para kina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros, wala pa ring katulad ang mga haligi ng "Eat Bulaga" na sina Sen. Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.
Sa episode ng "Tonight With Arnold Clavio" nitong Miyerkules, tinanong ng host na si Igan Arnold sina Jose, Wally at Paolo o JoWapao, kung ano ang reaksyon nila dahil marami ang nagsasabi na sila ang susunod o papalit sa kanilang kapwa mga "EB" dabarkads na si Tito, Vic at Joey.
"Parang wala naman silang kapalit," bungad ni Paolo.
Dagdag niya, "Parang wala naman silang katulad, alam mo yon? Kasi 'pag sinabing papalit kami sa kanila parang..."
Sabay pasok ni Arnold na tanong na, "pwedeng susunod kayong tatlo (sa halip na kapalit)."
"Hindi natin masabi kasi baka bukas-makalawa...," saad naman ni Jose na pabirong dinugtungan ni Arnold na, "wala na kayong trabaho?"
GALLERY: Ang bistuhan nina Jose, Wally at Paolo sa 'TWAC'
Nagtawanan ang grupo sabay ng kanilang pag-"knock on wood" na kaugalian ng mga Pinoy bilang pangontra sa nabanggit.
Seryosong patuloy ni Jose, "Hindi natin masabi pero kung ganun ang iniisip ng iba siyempre sina Bossing (Vic) na rin at management na rin ang magsasabi nun." -- FRJ, GMA News