Filtered By: Showbiz
Showbiz

Maine Mendoza and family thank AlDub Nation for support amid hacking incident


Martes ng hapon nang muling ma-access ni Dubsmash Queen and Kalyeserye sweetheart Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub ang kaniyang Twitter account matapos itong ma-hack ng grupong “Anonymous Philippines” nitong Martes ng madaling araw.

Aniya, bukod sa Twitter, maayos ang kaniyang Instagram account, ngunit hindi niya pa rin nabubuksan ang kaniyang email at kasalukuyan ring naka-deactivate ang kaniyang Facebook account dahil sa kagagawan ng hackers.

Sa kabila nito, hindi nalimutang magpasalamat ni Maine sa kaniyang mga tagahanga na naging mainit ang pagsuporta sa gitna ng pangha-hack na ito sa dalaga.

Sinimulan pa nga ng AlDub Nation ang hashtag na #WeGotYourBackMeng upang ipakita ang kanilang suporta kay Maine.

 

 

Maging ang mga kapatid at ina ni Maine ay nagpaabot rin ng pasasalamat sa lahat ng mga nagpakita ng pagmamahal at suporta sa kanilang buong pamilya.

Nauna nang sinabi ng kapatid ng Dubsmash Queen na si Niki Mendoza-Catalan na hindi makatwiran ang panghihimasok sa pribadong account ng isang tao upang makapagparating ng mensahe sa publiko. http://www.gmanetwork.com/news/story/542972/showbiz/maine-mendoza-s-sister-says-twitter-hack-a-desperate-move

Kasunod nito, siniguro niya na inaayos na ang lahat, at inanyayahan niyang ipagdasal na lamang ng AlDub Nation ang mga may kagagawan ng insidenteng ito.

Gayundin ang reaksyon ng ina ni Maine na si Mary Anne Mendoza, na nagpasalamat sa pagmamahal na ipinadama sa kanila ng AlDub Nation.

 

 

Nitong Martes, nagpahayag ng sermon si Lola Nidora sa Kalyeserye tungkol sa kahalagahan ng pagbibigay ng respeto sa pribadong buhay at pagmamay-ari ng ibang tao

Aniya, “'Yung mga Twitter ninyo, parang bahay niyo na rin 'yan. Nandoon ang inyong saloobin — saya, lungkot, at lahat ng iniisip. Huwag na huwag naman tine-trespassing. Hindi maganda 'yan. I-respeto ang mga pribadong gamit, ari-arian, at mga pansariling bagay.” —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News