Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Pregnant Judy Ann Santos can still do yoga headstand


Gaya ng maraming buntis ngayon, sinisiguro rin ng batikang aktres at health buff na si Judy Ann Santos na napananatili niya ang kaniyang magandang kalusugan para sa kapanan niya at ng kaniyang magiging bunsong anak.
 
Nasa ikapitong buwan na si Juday sa kaniyang pagbubuntis sa pangatlong anak nila ng Kapuso host-actor at 'Eat Bulaga' Dabarkads na si Ryan Agoncillo.
 
Kamakailan lamang, ibinahagi ni Judy Ann sa social media ang larawan na nagpapakita ng kaniyang baby bump at ng nakakabilib na yoga headstand pose.
 
 

Kaya pa.. ???? ???????????????? #get360fit #pregnantandstrong #naks

A photo posted by Judy Ann Santos-Agoncillo (@officialjuday) on

 
Maraming netizens at fans ang nagpahayag ng kanilang pag-aalala para sa kapakanan ni Juday at ng kaniyang magiging anak dahil sa naturang yoga pose.
 
Dahil dito, ipinaliwanag ng aktres na ginawa niya ito sa ilalim ng pagpapatnubay ng professionals.
 
Aniya sa isa pang Instagram post, “Para po sa mga nag tatanong at nag aalala: Hindi bago sa buntis ang paghe-headstand. It is totally safe most especially kung suhi ang baby. The pose alone allows the baby to move to its proper position.”
 
“But of course when doing headstands you must be supervised by professionals. Hindi ko po siya ginawang mag-isa, don't worry. But thanks for the concern. Nakakataba ng puso. #pregnantandstrong” dagdag pa niya.
 
 
—Bianca Rose Dabu/JST, GMA News