Filtered by: Showbiz
Showbiz

WATCH: 'Dessert' singer Dawin thanks Pinoy fans in Filipino


Sa pamamagitan ng video na ipinost sa Facebook, pinasalamatan ng "Dessert" singer na si Dawin ang kaniyang Pinoy fans sa wikang Filipino.

Ang naturang kanta ni Dawin ang laging sinasayaw ni Lola Nidora tuwing pumapasok sa eksena ng kalyeserye ng "Eat Bulaga."

Ang naturang video message ay nilagyan din ni Dawin ng caption na :“Personal thank you to everyone in the Philippines, AlDub Nation, and Eat Bulaga for helping Dessert become the number 1 song over there. Hope I said it right. I love you all.”
 

 

Personal thank you to everyone in the Philippines, AlDub Nation, and Eat Bulaga for helping Dessert become the number 1 song over there. Hope I said it right. I love you all

Posted by Dawin on Saturday, October 17, 2015

 
Nitong nakaraang linggo, nagpaabot din si Dawin ng pasasalamat sa AlDub Nation at Eat Bulaga fans dahil sa ginawang pagsuporta sa kaniyang kantang "Dessert" na patok na patok ngayon dahil sa kalyeserye. -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News

Tags: kalyeserye