ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lola Nidora may paalala sa mga dadalo sa ‘Eat Bulaga: Sa Tamang Panahon’


Dalawang araw na lamang bago ang pinakahihintay na 'Eat Bulaga: Sa Tamang Panahon' na magaganap ngayong Sabado, October 24, sa Philippine Arena-- ang itinuturing na largest indoor arena sa buong mundo.

Kinumpirma na ng TicketWorld nitong Martes na sold-out na ang tickets para sa nasabing pagtatanghal, at tinatayang 55,000 katao ang darating upang punuin ang venue ng isa sa pinakamalaking pagtitipon sa kasaysayan ng longest-running noontime show na "Eat Bulaga.”

Upang masiguro ang kaligtasan ng AlDub Nation at Eat Bulaga Dabarkads na makikibahagi sa pagtitipon, nagbigay ng paalala si Lola Nidora sa episode ng Kalyeserye ngayong Huwebes.

Narito ang mga paalala para sa lahat ng manonood sa Philippine Arena ngayong Sabado:

    Bawal matulog o mag-camp sa labas ng Philippine Arena. Pumunta na lamang ng maaga sa Sabado dahil puwede nang pumasok ng 6:00 a.m.Magsisimula ang show sa Philippine Arena ng 10:00 a.m., habang magsisimula naman ang live telecast para sa mga nasa bahay ng 11:30 a.m.
   

  • Bawal magbaon ng pagkain dahil mayroong mabibilhan ng pagkain sa loob ng arena.
  • Bawal ang alak at hindi rin makakapasok ang mga lasing.
  • Bawal ang babasagin o plastic na bote.
  • Bawal ang lighter, kandila o pautok, at anomang matutulis na bagay.
  • Bawal magdala ng silya.
  • Bawal magtinda.
  • Bawal ang spike bracelet, at mga malalaki at matitigas na accessories.
  • Hindi maaaring pumasok ang mga batang below 7 years old.
  • Lahat ng buntis na guests ay kailangang pumirma ng waiver form.
  • Iwasan ang magdala ng malalaking bag.

Pinaalalahanan nina Lola Nidora, Tidora, at Tinidora ang lahat ng iwasa na ng pagiging pasaway upang ipakita sa buong mundo na disiplinado ang AlDub Nation at ang Eat Bulaga Dabarkads.

Nararapat lang din na sundin ang lahat ng paalala para sa kaligtasan ng lahat ng mga makikisaya sa 'Tamang Panahon.' —Bianca Rose Dabu/NB, GMA News