Filtered By: Showbiz
Showbiz

Celebrities, personalities mourn passing of Elizabeth Ramsey


Ibinahagi ng Queen of Soul at 'Marimar' star na si Jaya ang pagpanaw ng kaniyang ina at tinaguriang 'Queen of Rock and Roll' na si Elizabeth Ramsey ngayong Huwebes.
 
Matapos magkaroon ng ilang komplikasyon sa kalusugan ngayon taon kabilang na ang pag-atake ng hyperglycemia o pagtaas ng glucose sa dugo, tuluyan nang namaalam ang batikang aktres at komedyante na nakilala dahil sa kaniyang mga nakatutuwang linyang Bisaya.
 
Ayon sa Facebook post ng anak niyang si Jaya, pumanaw ang kaniyang ina sa edad na 83 habang natutulog.
 
“Mama Beth is now with our Lord... 83 years has been full. Love and laughter, she has given not just our family but the whole nation. Thank you for your love and prayers and I rejoice because she passes in her sleep. In peace,” aniya.
 
Kasabay ng pagdadalamhati ng pamilya ni Elizabeth, nakiramay ang ilan sa mga artista at personalidad na nakatrabaho at nakasama ng komedyante noong nabubuhay pa ito.
 
 

RIP Mama Beth. Ty for the laughter and the music. Be with Jesus. Our deepest sympathies to @jayasoul

A photo posted by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on

 
—Bianca Rose Dabu/JST, GMA News