Filtered by: Showbiz
Showbiz
GALLERY

Yaya Dub chooses an outfit for her Broadway visit


Nagtungo na nitong Sabado sina Lola Nidora at Tinidora sa Broadway kasama ang Kalyeserye sweetheart na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub para sa kanilang pagbisita sa Eat Bulaga Dabarkads.

Matatandaang noong nakaraang linggo, si Pambansang Bae Alden Richards ang bumisita sa kanilang mansyon.

Aminado ang dalaga na kinabahan siya bago ang ginawa nilang pagbisita.

Aniya sa isang tweet, "Nasan na kaya sya? Kinakabahan ang yaya nyo! #ALDUBmeetsTVJ"



Gaya ng dati, lubos pa rin ang paghahanda ng dalawa para sa espesyal na araw na ito.

Bukod sa mga pasalubong at handang pagkain, pinaghandaan rin ni Yaya Dub ang kaniyang outfit para sa kauna-unahang pakikipagkita sa mga Dabarkads sa Broadway.

Maraming damit pa rin ang pinagpipilian niya, at sa huli ay napili niya ang blue-and-gray sweater-and-skirt ensemble.

Silipin ang ilan pa sa mga pinagpiliang outfit ni Yaya Dub.

 
 
 
 
 
 


--Bianca Rose Dabu/JST, GMA News