Filtered by: Showbiz
Showbiz
#ALDUBOurMissionisLove

Kalyeserye Recap: Alden, pinayagang dumalaw kay Yaya Dub sa mansyon


"Ipinakita niyo na karapat-dapat kayo na pagkatiwalaan."

'Yan ang mensahe ni Lola Nidora kina Alden Richards at Yaya Dub sa kanilang ika-sampung weeksary ngayong Huwebes sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Muling ipinadaan ni Lola sa mga cupcake ang kaniyang regalo para sa AlDub, at ang lumabas na salita: M-AN-S-Y-O-N.

"Binubuksan ko na ang pinto ng mansyon ko para madalaw mo si Yaya sa Sabado," ani Lola.

"I welcome you to my mansion."

Paglilinaw pa ni Lola, ibinenta na raw nila ang mahabang lamesa nila.

Kaya ang date ng AlDub, posible nang maging mas malapit.

"Sa Sabado, puwede ka nang umakyat ng ligaw sa mansyon, Alden," ani Lola. - JST, GMA News

LOADING CONTENT