ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Wala nang istorbong plywood

LOOK: Kilig moments at 'indirect kiss' sa muling pagkikita nina Alden at Yaya Dub


Muling nagkita at nagkaroon ng pagkakataon na magdikit sina Alden Richards at Maine "Yaya Dub" Mendoza sa pagpapatuloy ng kalyeserye ng Eat Bulaga. At sa pagkakataong ito, walang istorbong plywood na humarang sa dalawa.

Sa episode nitong Sabado, nabisto na ang apo ni Lola Nidora na si Duhrizz ang nagpadukot kina Alden at Yaya Dub dahil sa panibugho.

Inamin ni Duhrizz na naiinggit siya kay Yaya Dub dahil sa atensiyon na ibinigay dito ni Lola Nidora at pag-ibig ni Alden.

Aminado rin si Duhrizz na matindi rin ang gusto niya kay Alden.

Sa isang parking building, pinagsama ni Duhrizz ang kaniyang mga bihag na sina Alden at Yaya Dub kaya nagkaroon ng pagkakataon na magkasamang muli ang dalawa.

Ang Aldub supporters, hindi mapigilang kiligin sa muling pagkikita at pagkakataon na magkalapit ang kanilang idolo.

May pagkakataon pa na mistulang nag-kiss habang may takip sa mga mata nina Alden at Yaya Dub dahil sa paggamit nila ng iisang straw  nang painumin sila ni Duhrizz.

Halata rin sa mga ngiti at mata ang saya nina Alden at Yaya Dub nang magkita nang alisin ang kanilang piring kahit nasa magkabilang van.




 
-- FRJ, GMA News
Tags: kalyeserye, aldub