Filtered By: Showbiz
Showbiz
ANSWERING WENCY CORNEJO
Jovit Baldivino didn't disrespect 'Pusong Bato' singer, says road manager
Pinag-usapan nitong Miyerkules ang Facebook post ng batikang singer na si Wency Cornejo hinggil sa kaniya umanong pagkadismaya sa kapwa-singer na si Jovit Baldivino kasabay ng kanilang naging performance sa isang show sa General Santos City.
“Nakakalungkot isipin na may mga performer katulad ni Jovit Baldovino na hindi marunong rumespeto sa mas nakakatandang musiko. Hindi man ganun kasikat, kung ang nagsulat at orihinal na nag record ng awitin ay kasama mo sa isang show, hindi mo dapat unahang kantahin ang awitin nya,” aniya.
“Kahit pinakiusapan na hindi pa rin sya pumayag na huwag kantahin. It just goes to show, it is very hard to teach humility, respect and class."
Dagdag pa ni Wency sa mga reply sa kaniyang post, ang tinutukoy niya ay si Rene dela Rosa ang sumulat at kumanta ng "Pusong Bato."
“There’s no need to apologize to me. Hindi naman sa akin nangyari eh. Si Kuya Rene dela Rosa ang apektado. Napakaliit ng mundo ng musika. We need to band together as one. Let’s not try to make factions. Mabuhay ang Musikong Pinoy!”
Kaugnay ng pahayag na ito ni Wency, nilinaw ng road manager ni Jovit ang mga pangyayari sa pahayag na inere sa isang radio show nitong Miyerkules.
Nakasaad sa naturang mensahe na, “Naroon ang orihinal na kumanta ng Pusong Bato na si Renee Alon. Nauna kasing sumalang si Jovit at ni-request ni Kagawad Bobby Pacquiao na duet sila. Cover song version ni Jovit 'yung Pusong Bato sa previous album niya na anging themse song ng Juan Dela Cruz.”
“Hindi ako aware. Ang sa akin, walang nag-inform ng repertoire niya sa amin ni Jovit from their side. At hindi rin ako aware na kasama pala siya sa show until this issue arose,” dagdag pa rito.
Taliwas ito sa naging pahayag ni Wency na pinakiusapan raw ang “Pilipinas Got Talent” winner na huwag nang kantahin ang awitin. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News
More Videos
Most Popular