Filtered by: Showbiz
Showbiz
Pero anak ng dating 'Gwapings' member, bigo
Look-alike ni Piolo Pascual, pasok sa Top 14 ng StarStruck 6
Patuloy na umiinit ang labanan sa tinututukang reality-based artista search StarStruck 6. Nitong Martes, apat pang kalahok ang nakapasok sa Top 14 kabilang na ang Cebuanong look-alike ni Piolo Pascual at nakatatandang kapatid ng Kapuso child star na si Mona Louise Rey.
Tulad sa pilot episode nitong Lunes, nag-trending sa Twitter nitong Martes ang ikalawang araw ng StarStruck 6 kung saan nakalusot ang 16-anyos na Cebuano na kahawig ni Piolo Pascual na si Elyson de Dios.
Congratulations sa mga nakapasok sa Top 14: Mariam Al-Alawi, Marion Garcia, Elyson De Dios and Analyn Barro! Sila din ba...
Posted by StarStruck GMA on Tuesday, September 8, 2015
Nakalusot din ang ate ni Mona Louise Rey na si Mariam Al-alawi, gayundin ang taga-Bacolod na si Analyn Barro, 18; at Marion Garcia, 18, tubong Pampanga.
Hindi naman pinalad na makapasok sa Top 14 si Frederick Fructuoso, anak ng dating "Gwaping" member na si Eric Fructuoso.
Sa kabila ng lahat, positibo pa rin ang pananaw ni Frederick na ipagpapatuloy niya ang hangarin na makamit ang kaniyang pangarap.
Una nang nakapasok at magpapatuloy sa StarStruck 6 sina Avery Paraiso, 20-anyos, ng Antipolo; Koreen Medina, 20, ng Laguna, at Klea Pineda, 16, ng Caloocan.
Mayroon namang mga bitin at sa Biyernes pa malalaman kung tuluyan silang makakapasok sa Top 14 kabilang na ang anak ng dating matinee actor na si Denis Da Silva na si Faith.
-- FRJ, GMA News
Tags: starstruck2015, starstruck6
More Videos
Most Popular