Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rainier Castillo says elimination days are his favorite 'Starstruck' memory


Hindi raw kaba kung hindi excitement ang nararamdaman ng "Starstruck" Season 1 First Prince na si Rainier Castillo sa tuwing darating ang elimination day para sa nasabing reality-based artista search ng Kapuso Network.


 
Aniya, sa mga pagkakataong iyon lumalabas ang tunay na pag-uugali ng mga contestants o artista hopefuls.
 
“Favorite moment ko lagi yung tanggalan kasi nandoon 'yung kaba, nandoon 'yung excitement saka doon lahat lumalabas [ang] tunay na ugali namin,” ayon kay Rainier sa panayam ng GMANetwork.com.
 
Nabigo man siyang masungkit ang titulong Ultimate Male Survivor, na nakuha noon ni Mark Herras, masaya at proud pa rin daw siya sa lahat ng mga nakamit niya matapos ang programa.
 
Nagpapasalamat rin daw siya dahil ang mga pinagdaanan niya sa "Starstruck" ang naging daan sa maraming magagandang pagbabago sa kaniyang buhay.
 
Aniya, “StarStruck ang pinaka-nagbago ng buong buhay naming lahat kasi lahat kami, doon nag-umpisa. Lahat ng mga pangarap namin, sa 'StarStruck' natupad. Diyan nag-start lahat."
 
“Ang dating Rainer,mahiyain. Talagang hindi ako masyadong malapit sa mga tao. Ngayon, masasabi kong makapal na mukha ko,” dagdag pa ng aktor.
 
Payo niya sa panibagong set ng artista hopefuls na magtutunggali sa "Starstruck" Season 6, “Laging do your best sa lahat ng ginagawa, lahat ng challenges,[hindi lang sa showbiz pero kahit sa tunay na buhay."
 
Ipapalabas na sa GMA ang pinakabagong season ng Starstruck simula Lunes, September 7, pagkatapos ng "24 Oras." -- Bianca Rose Dabu/FRJ, GMA News