Filtered By: Showbiz
Showbiz
'Sinabon ko naman, ayaw kuminis!' ad model, pasok sa Top 35 ng Starstruck 6
By Bianca Rose Dabu, GMA News
Pamilyar ang marami ang linya sa komersiyal ng isang facial cleaner na: “Bakit ganun? Sinabon ko naman, ayaw kuminis!” Ang modelo sa naturang patalastas, kabilang sa mga aabangan sa bagong season ng reality artista search ng GMA na “Starstruck 6”
Ang commercial model na nasa likod ng naturang linya ay walang iba kung hindi ang 17-anyos na si Ayra Mariano.
Kabilang si Ayra sa Top 35 ng naturang kompetisyon, at nagpapasalamat siya sa pagkakataon na bumida sa nabanggit na commercial dahil maaari raw itong makatulong para matupad niya ang pangarap na maging artista.
A video posted by Veronica Coscolluela Gonzalez (@verongonzalez) on
Sa kabila ng kaniyang karanasan sa pagmomodelo, aminado si Ayra na kinabahan siyang sumali sa “Starstruck” sa simula.
“Sobrang pinagpapasalamat ko kay Lord lahat ng [blessings ko] lalo na dahil hindi biro ang maging part ng mga TVCs na ang linya ay tumatatak sa mga tao. But At first, I was scared to join kasi hindi ako sanay sa mga contest sa TV dahil puro commercials lang ang nakagisnan kong gawin,” kuwento ni Ayra.
Gayunpaman, matapos siyang mapabilang sa first callback at opisyal na maging bahagi ng Top 35, masaya raw ang dalaga dahil unti-unti niya nang natutupad ang kaniyang mga pangarap.
Aniya, “Sobrang blessed ako sa mga biyayang ipinagkakaloob sa akin na nakakapagbigay ligaya sa aking pamilya at good vibes sa ibang mga tao. I always believe.”
Abangan si Ayra at ang iba pang artista hopefuls gabi-gabi simula ngayong Lunes, September 7, sa “Starstruck” bago ang 24 Oras.
PHOTOS FROM Twitter: StarStruckGMA
-- FRJ, GMA News
Tags: starstruck2015
More Videos
Most Popular