Filtered By: Showbiz
Showbiz

'Jukebox' Queens na sina Imelda, Claire at Eva, may mga kanta para sa 'AlDub'


Kabilang ang mga itinuturing na 'Jukebox' Queens na sina Imelda Papin, Claire dela Fuente at Eva Eugenio sa mga nakatutok sa love story nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub sa 'Kalyeserye' ng noontime show na Eat Bulaga.
 
Updated raw ang mga batikang mang-aawit sa nagaganap sa AlDub love story,  at ang paghadlang sa kanila ni Lola Nidora.
 
Sa katunayan, ilan lamang daw sila sa mga manonood na talagang hinihinto ang kanilang ginagawa upang tumutok at subaybayan ang Kalyeserye.
 
Si Eva, aminadong kamukha daw niya si Lola Nidora, na tinawag niyang sikat ngayon.
 
Nagsasanay ngayon ang Jukebox Queens para sa nalalapit nilang show ngayong taon, at bukod sa Aldub ay updated rin sila sa iba't ibang kanta ng bagong henerasyon.
 
Ayon kay Claire sa ulat ni Lhar Santiago sa 'Balitanghali' nitong Miyerkules; “Songs of the 70s, 80s, at saka 'yung mga bago din. May mga pasabog kaming bago. Nandiyan si  Miley Cyrus, Rihanna, at Katy Perry.”
 
Kasabay ng pag-eensayo nila, naghandog ang tatlo ng mga awitin para sa sinusubaybayan nilang pag-iibigan ng AlDub.



-- FRJ, GMA News