Filtered by: Showbiz
Showbiz

Fulgoso, beki dog sa bagong 'Marimar'


Kasamang magbabalik ni Marimar sa Kapuso primetime series ang kaniyang best friend na asong si Fulgoso. Pero kakaibang Fulgoso ang matutunghayan ng mga manonood dahil isa siyang "beki."

Iniulat sa "Starbites" ng GMA News TV's Balitanghali nitong Huwebes, na si Boobay o Norman Balbuena ang magbibigay-tinig ngayon kay Fulgoso sa bagong Marimar na pinagbibidahan ni Megan Young.



Ayon kay Boobay, isang beki dog ngayon si Fulgoso na "good vibes" ang ihahatid kay Marimar at sa mga manonood.

Sa report naman ng Unang Balita ng GMA News, sinabing asahan na mas magiging masaya ang mga linyang maririnig mula kay Fulgoso.

Aminado si Boobay na mahirap mag-voice acting lalo pa't wala siya sa mismong taping kaya kailangang paganahin niya ang kaniyang imahinasyon.

Humuhugot din daw si Boobay ng inspirasyon mula mismo sa kanyang alagang aso.

Sinabi pa ni Boobay na isa rin siya sa mga humanga noon sa naunang mga Marimar. -- FRJ, GMA News

Tags: marimar, fulgoso